BEIJING (Reuters)— Nagkasundo ang China at Vietnam na ayusin ang gusot sa karagatan, sinabi ng state media noong Biyernes.

Umasim ang relasyon ng dalawang Komunistang bansa ngayong taon matapos magpadala ang China ng $1 bilyong oil rig sa bahagi ng karagatan na inaangkin ng Vietnam, nagbunsod ng kaguluhan at madugong sagupaan ng mga manggagawang Vietnamese at Chinese sa Vietnam.

Ang dalawang bansa ay dapat na “properly address and control maritime differences” upang makalikha ng paborableng kondisyon para sa kooperasyon, sinabi ni Chinese Premier Li Keqiang kay Vietnamese Prime Minister Nguyen Tan Dung noong Huwebes sa sidelines ng Asia-Europe Meeting (ASEM) sa Milan.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon