Gaya ng kanilang ipinangako, may mga bus na inihanda ang Kia Motors para makapagbigay ng libreng sakay sa PBA fans na manunood sa opening ng PBA 40th Season sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan sa darating na Linggo (Oktubre 19).

Nakipag-tie-up ang Kia sa kompanya ng bus na JAM Liner para sa sinasabing" free ride" kaugnay sa unang laro ng koponan ng Kia Sorento sa PBA.

May 200 mga bus ang inarkila ng KIA na ikakalat sa iba't ibang panig ng Metro Manila upang makapaghatid ng fans na manonood sa venue para sa opening match na magtatampok sa Kia at sa isa pang baguhang koponan na Blackwater Sports sa ganap na alas-3:00 ng hapon.

Nakatakdang ipamahagi ang stubs para sa nasa bing libreng sakay ngayong araw na ito sa mga istasyon ng JAM Liner sa Buendia at Cubao.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ipamamahagi ang stubs ngayon sa Cubao station mula ala-1 :00 hanggang alas-4:00 ng hapon at sa Oktubre 17 sa Buendia station sa ganap na alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.

Ang mga nasabing stubs ay makukuha lamang ng fans na mayroong mga tiket para sa laro.

Maaari ring sumabay sa nasabing mga bus ang mga miyembro ng PBA Press Corps basta’t iprisinta lamang nila ang kanilang PBA Press identification card.

Nakatakdang umalis ang mga nasabing bus sa Oktubre 19 mula sa Cubao sa ganap na alas-9:00 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali at sa Buendia naman mula alas-8:30 hanggang alas-10:00 ng umaga.