Oktubre 15, 1971 nang umani ng boo ang Amerikanong musician na si Rick Nelson (1940-1985) sa isang rock-and-roll oldies show sa Madison Square Garden, dahil binago niya ang kanyang musika nang magtanghal siya.

Sa show ay mahaba ang kanyang buhok at nakasuot siya nang nabuburdahang western shirt kasama ang Stone Canyon Band. Bagamat inawit niya ang ilang kantang 50s at 60s, hindi siya nakaligtas sa disgusto ng matatandang manonood.

Nagtanghal din sa event ang ilang oldies rock icons gaya nina Chuck Berry, Bo Diddley, Gary “U.S.” Bonds at Little Richard. Naroon din sina George Harrison at John Lennon ng The Beatles.

Nasawi si Nelson sa isang plane crash sa De Kalb, Texas noong Disyembre 31, 1985.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho