Nakumpleto na ni regular WBA featherweight champion at Jamaican na si Nicholas “The Axeman” Walters ang kanyang pagsasanay sa Panama at dumating na sa Los Angeles para sa kanyang paghamon kay WBA undisputed featherweight champion Nonito “Filipino Flash” Donaire Jr. sa Linggo (Oktubre 19) sa StubHub Center sa Carson, California.

Buong yabang na sinabi Walters na dalawang pounds na lang ang hahabulin niya para sa official weigh-in sa Sabado kaya wala siyang problema sa timbang at tutuparin ang pangako na patutulugin si Donaire sa loob ng anim na rounds.

“I still have to run tonight and on Sunday morning so I’ll arrive LA weighing only two pounds over the limit of the division as we planned to do,” sabi ni Walters na ipinagyayabang ang kanyang perpektong rekord na 24 na panalo, 20 dito mula sa knockouts.

Ayon naman sa kanyang ama at co-trainer na si Job Walters, kumpiyansa ang kanyang anak na patunayan kung sino ang tunay na hari ng featherweight division sa WBA.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

“Physically and mentally Nicholas is at the level we wanted him to be at this point but which is most important, he now is the smarter he has been in all of his career and that will become a factor,” giit ng nakatatandang Walters.

May kartada si Donaire na 33-2-0 win-loss-draw na may 21 pagwawagi sa knockouts at naging world champion na sa apat na division sa professional boxing.