Oktubre 14, 1962 nang nagsimula ang Cuban Missile Crisis, at nameligro ang digmaang nukleyar sa pagitan ng Amerika at Soviet Union. Natukoy ng U-2 spy plane ang Soviet-made medium-range missiles sa Cuba, may 90 milya mula sa pinakamalapit na baybayin ng Amerika.
Sa sumunod na dalawang linggo ay nangangambang sinubaybayan ng mundo kung magkakaroon nga ng digmaang nukleyar.
Ang krisis ay bunsod ng tensiyong idinulot ng nabigong Bay of Pigs Invasion ng Amerika noong Abril 1961, nang tinangka ng Cuban refugees na nagsanay sa Amerika na patalsikin ang komunistang gobyerno ni noon ay Cuban leader Fidel Castro. Nang sumunod na taon, umabot sa 20,000 ang Soviet advisors sa Cuba.
Naniwala ang Russian leader na si Nikita Khrushchev na kailangan ang mga armas upang mapigilan ang pagsakop ng Amerika sa Cuba.