Cagayan-vs-PLDT-V-League-550x533 (1)

Ganap nang nakapag-adjust ang Cagayan Valley sa biglaang pangyayari na pagkawala ng kanilang Thai imports na sina Patcharee Saengmuang at Amporn Hyapha na naging daan para mapataob nila ang PLDT Home Telpad sa loob ng tatlong sunod na sets, 25-17, 25-17, 27-25, sa pagpapatauloy ng Shakey's V-League Season 11 Foreign Reinforced Conference sa Fil-Oil Flying V Arena noong Linggo ng gabi.

Pinangunahan ni dating University of Santo Tomas standout Aiza Maizo ang nasabing panalo sa kanyang ipinosteng 15 puntos kasunod si Jannine Marciano na umiskor ng 13 puntos.

Nag-ambag naman ang mga kakamping sina Angge Tabaquero at Wenneth Eulalio ng tig-10 puntos para iangat ang Lady Rising Suns sa patas na barahang 1-1-, panalo-talo, upang makapantay nila ang kanilang biktima sa ikalawang puwesto kasunod ng wala pang talong Philippine Army (2-0).

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“(Unlike last game) nakapag-adjust na kami sa line up namin na maglalaro kami na walang import,” ani Cagayan coah Nes Pamilar na tinutukoy ang kanilang naunang pagkatalo sa Philippine Army, 25-17, 17-25, 25-17, 21-25, 13-15, noong nakaraang Martes makaraang hindi nila maipasok ang mga Thai reoinforcements dahil sa hinanapan ang mga ito ng International Transfer Certificate (ITC) galing sa FIVB.

“Noong nakaraan kasi nalaman namin na hindi kami naglalaro ng may import noong mismong laro lang. Ngayon nakapaghanda kami,” ayon pa kay Pamilar.

Mayroon na aniyang ITC ang kanilang mga imports na sina Saengmuang at Hyapha ngunit makakapaglaro lamang ang mga ito pagkalipas ng Oktubre 16 gaya ng isinasaad ng FIVB rules.

“Actually pwede na sila maglaro kasi approved na ng FIVB ('yung ITC),” saad ni Pamilar. “Pero kasi may rule sila (FIVB) na dapat nga pang national players lang, pero pati itong nga imports ko damay na kaya after October 16 pa sila pwede maglaro.” Paliwanag ni Pamilar.

Nanguna naman para sa natalong PLDT ang team captain na si Suzanne Roces na nagtala ng 15 puntos.

Nauna rito, nakabawi sa kanilang naunang 5-setter na kabiguan sa kamay ng Far Eastern University ang Rizal Technological University makaraang gapiin ang Instituto Estetica Man ila, 25-22, 25-27, 12-25, 29-27, 15-11 sa men’s division.

Hindi nakalaro sa kanilang naunang laban kontra FEU, nagsalansan si Alnasip Laja ng 23 puntos habang nagdagdag naman ang mga kakamping sina Sahud Masahud at team captain Sabtal Abdul ng 25 puintos para pangunahan ang Mandaluyong-based squad sa pagratsada sa fourth set na itinuloy nila hanggang bsa decider para makamit ang panalo sa larong tumagal ng dalawang oras at 1 minuto.

Samantala, tatangkain ng Lady Rising Suns na madugtungan ang nasabing panalo sa kanilang pakikipagtuos ngayong alas-6 ng gabi sa Meralco sa tampok na laro ng panibagong double header matapos ang unang salpukan sa men’s division sa pagitan ng IEM at FEU ganap na ika-4 ng hapon kung saan pag-aagawan nila ang pansamantalang pangingibabaw sa pamamagitan ng pagkalas sa ksalukuyang 4-way-tie sa 1-1 kasama ng RTU at Systema.