ISULAN, Sultan Kudarat - Isang dating pulis na sinasabing natanggal sa serbisyo dahil sa pagbebenta umano ng ilegal na droga ang nasakote ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Authority (PDEA)-Region 12 sa isang operasyon noong Oktubre 10 sa Barangay Zone 3, Koronadal City, South Cotabato.

Batay sa ulat ng PDEA-12, matagal-tagal nang minamanmanan ng ahensiya si Lamsani Bernabe, 44, walang trabaho.

Sa pagsalakay sa bahay ni Bernabe ay nakakumpiska ang awtoridad ng 19 na malalaking sachet ng hinihinalang shabu at nasa P57,000 cash. - Leo P. Diaz
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20