CAMP BADO DANGWA, Benguet - Dalawang mataas na opisyal ng Abra Police Provincial Office (APPO) ang sinibak sa puwesto kaugnay ng sunud-sunod na krimen, na ang huli ay ang pagpatay sa dating mediaman at empleyado ng Department of Justice (DoJ) sa Bangued, noong gabi ng Oktubre 8.

Si Senior Supt. Virgilio Laya, officer in charge ng APPO sa nakalipas na tatlong buwan, ay papalitan ni Senior Supt. Albertlito Garcia. Si Laya ang magiging head ng Regional Headquarters Service sa Police Regional Office (PRO)-Cordillera, na pinanggalingan ni Garcia.

Itatalaga namang bagong hepe ng Abra Provincial Public Safety Company (PPSC) si Supt. Lambert Suerte, kapalit ni Supt. Mario Mayames, na gagawing public information officer ng PRO-COR, kapalit ni Supt. Davy Limmong, na nag-aaral uli.

Una nang sinabi ni PRO-COR director, Chief Supt. Isagani Nerez na uumpisahan niya sa Abra ang pagbalasa sa mga opisyal ng pulisya sa rehiyon, na magiging epektibo sa Oktubre 15. - Rizaldy Comanda

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho