Ikinatuwa ng mga grupong makakalikasan ang iniulat na paglalagi ng Philippine eagle sa kagubatan ng Samar na isang patunay na muling dumarami na ang hanay ng itinuturing na endangered bird species, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Base sa ulat sa sa punong tanggapan ng DENR sa Quezon City, namataan ng dalawang beses ng mga miyembro ng Philippine Eagle Foundation (PEF) at University of the Philippines-Institute of Biology ang agila, na endemic sa Pilipinas, sa kanilang expedition sa Samar Island Natural Park mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.

“This is definitely an exciting development. These latest sightings only show that the Philippine eagle still has a chance to survive in its natural habitat and the forests of Samar Island provide a safe haven for the rare bird,” pahayag ni DENR Secretary Ramon Paje.

Ang unang pagpapakita ng Philippine eagle ay mula sa masukol ng kagubatan ng Barangay Buluan sa Calbiga, Samar, kung saan din nahuli ng mga mangangahoy ang isang sisiw nito noong 2011.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ang pangalawang sighting ay sa Taft Forest Wildlife Sanctuary sa Eastern Samar.

Ang dalawang sighting ay nai-record sa video at may kuha rin sa still camera ng PEF-UP.

Nakasaad sa mga record na unang nadiskubre ang Philippine eagle ni John Whitehead, isang British, sa Paranas, Samar noong Hunyo 15, 1896. - Ellalyn B. de Vera