PAG-ASA NG BAYAN ● “Engage the hidden potentials of the youth to be partners for community development towards productive citizens that could change this world.” ito ang sinabi ni Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) director-general, Secretary Joel Villanueva, nang pasinayaan ang unang social business hub na School for Experiential and Entrepreneurial Development (SEED) Philippines sa gawad Kalinga Village sa angat, Bulacan. Nais ni Sec. Villanueva na pakilusin ang kabataan upang makaambag sa kaunlaran hindi lamang ng bansa kundi pati na rin ang kanilang mga sarili.
Aniya, “our training programs should be developed with the youth, rather than for the youth.” Mahalaga na gabayan ang mga kabataan na hanapin ang kanilang sariling talino at kinagigiliwang gawain. “Just imagine how a two-year program in Social Entrepreneurship can empower the youth to stand on their own feet, help their families, and build stronger communities through wealth creation and jobs generation,” wika pa Villanueva. Katuwang ang social business hubs ang lahat na state colleges and universities lalo sanang mapabilis ang pagpapanday sa kabataan bilang pag-asa ng bayan.
WALANG PAG-ASA ● Hinihiling na sibakin na ang walong “hulidap” na pulis na mga miyembro ng La Loma Police Station na dawit sa EDSA “hulidap” case sa Mandaluyong City. isang malaking kahihiyan at dungis sa magiting na bandila ng Philippine National Police (PNP) kaya inirekomenda ni Quezon City Police District (QCPD) director Chief Supt. Richard Albano,ang pagsibak kina Chief inspector Joseph De Vera, Senior inspector Oliver Villanueva, Senior Police officer 1 Ramil Hachero, at Police officers 2 Weavin Masa, Ebonn Decatoria, Mark De Paz, Jerome Datinguinoo at Jonathan rodriguez na nahaharap sa kasong grave misconduct resulta ng imbestigasyon ng QCPD. Nabatid na si De Vera ay nagsilbing deputy commander ng QCPD Station 1, habang si Villanueva ang head ng investigation unit ng parehong police station. ang mga suspek ay inaakusahan ng pangingikil sa isang negosyante sa EDSA Mandaluyong noong Setyembre 1 kung saan tinangay umano ng mga suspek ang cash ng kanilang biktima na aabot sa P2 million. Walang pag-asa ang PNP na pakislapin ang pangalan nito kung hindi agad mahahatulan ang mga bugok sa kanilang hanay. Habang tumatagal ang kaso, lalong kumakapit ang kalawang.