ARIES [Mar 21 - Apr 19]
In this cycle, wala kang choice kundi ang maging honest sa iyong partner and your loved ones sa isang difficult issue.
TAURUS [Apr 20 - May 20]
May mga bagay na better kept secret kaysa ipagsabi kahit kanino. Kahit pilipitin pa ang leeg mo, dapat wala silang mapipiga.
GEMINI [May 21 - Jun 21]
Kapag nangako ka ng something sa someone, you must deliver it somehow. Kapag nabigo ka, magsa-suffer ang iyong reputation.
CANCER [Jun 22 - Jul 22]
Maglaan ng mas maraming time sa iyong Family and Friends Departments. Madadagdagan ng positivity ang iyong aura.
LEO [Jul 23 - Aug 22]
May gagawin kang something unexpected in this cycle. Someone who knows you well will be shocked. Asahan ang applause.
VIRGO [Aug 23 - Sep 22]
Pay attention sa cash flow ng iyong Finance Department. Kailangan nang baguhin ang iyong spending pattern.
LIBRA [Sep 23 - Oct 22]
According to your stars, hindi malayong malalaman mo what needs to be changed sa iyong buhay. Siguro next week.
SCORPIO [Oct 23 - Nov 21]
Masaya ka na ba sa position mo? Kung hindi, start making bigger plans. The bigger the plans, the better.
SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21]
Makakabangga mo ang isang may authority in this cycle. Expected naman talaga ng iyong mga kasama na assertive ka.
CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19]
Dahil dadalawin ng Angel of Showmanship ang iyong zodiac sign in this cycle, expect na mas masaya ka sa Friendship Department.
AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18]
Mas busy ka in this cycle. Happier ka rin. Sabihin sa iyong loved ones na mayroon kang time para sa kanila at tuparin mo iyon.
PISCES [Feb 19 - Mar 20]
In this cycle, better na mag-isa ka na muna in your special quiet place; pero hindi mangyayari iyon. Hindi ito natural sa iyo.