KRIS Aquino

NAPADAAN kami sa dressing room ni Kris Aquino pagkatapos ng presscon ng The Trial noong Huwebes ng gabi at inabutan siyang naghahanda para sa live airing ng Aquino & Abunda Tonight kasama si Boy Abunda.

Nasa mood makipagtsikahan ang Queen of All Media kaya kinumusta namin ang pagbili niya ng franchise ng Chowking sa ground floor entrance ng Alimall katabi mismo ng Jollibee.

Nang daanan namin ito kamakailan ay paspasan na ang trabaho ng mga gumagawa at ‘yung dating Chowking sa lower level ng nasabing mall ay isinara na.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Itinanong namin kay Kris kung isasara nang tuluyan ‘yung nasa lower level at kung ibinigay na sa kanya ang bagong puwesto sa first floor.

“Lahat ng Chowking na nasa loob ng mall, it’s company owned, at ‘yung mga outside the mall, ‘yun ang franchise,” bungad paliwanag ni Tetay.

At dahil love raw siya ng may-ari ng Chowking ay ibinigay sa kanya ang Alimall branch na pag-aari nga ng kompanya.

Hindi solo ni Kris ang franchise ng Chowking sa Alimall, may managing partner siya.

“I need somebody who has the knowledge about food business, that’s why I ask Dom (Dominic Hernandez) who owns three Mang Inasal, and his family owns the Victory Liner (bus company).

“It’s 70-30 shares, siyempre ako ‘yung 70%, kasi siya ‘yung sisilip-silip kasi wala akong time, but I will try naman to involve myself at mag-aaral ako, ha?” kuwento ni Kris.

Binanggit namin kay Kris na si Dominic din ang business partner ni Sam Milby sa itinayong Third District Coffee Shop sa may Katipunan, Quezon City at Prost German Restaurant sa The Fort Strip.

Ayon kay Kris, may one week training siyang gagawin.

“I need to learn how to cook the food of Chowking, kasi siyempre in case na kailangan, ako ‘yung gagawa, and also I need to learn kung paano magkaha, hindi pala madali ‘yun, mahirap pala.

“Si Dom, ‘tapos na ang training niya, ako i-schedule ko pa, kasi right now, advance tapings kami ng KrisTV and we’re going to Japan pa on October 19, we’ll be away eight nights, ‘tapos after Coco (Martin) kunan sa Malabon, ako na ang susunod mag-shoot (for Feng Shui 2),” kuwento ng Queen of All Media.

Blooming at masaya ngayon si Kris kaya kinumusta ni Bossing DMB ang lovelife niya.

“Magpapatayo muna ako ng bahay,” paiwas na sagot niya.

Tahimik daw siya ngayon at inspired.

Samantala, nagkapalitan din kami ni Kris ng mensahe sa text bago kami nagkita nang kumustahin namin siya, at sabi niya, “The two boys (Joshua at Bimby) and I have a TVC shoot on Saturday (Oktubre 4) then Bimb solo has endorsement pictorial on Sunday (kahapon) kaya no shooting for him (Praybeyt Benjamin 2) this week.”

Nag-post naman si Kris nu’ng Biyernes ng, “Although we waited 24 months for turnover, we were able to get corner lots on a nice slope next to the cul de sac which will be left with open green fields.”

“Where we live now, we don’t have a garden and my two sons have really been wishing for more space. So now, I can fulfill my promise to them that we’ll have a swimming pool and a big outdoor area to play in.”

Ito pala ‘yung sinabi niya kay Bossing DMB na magpapatayo siya ng bahay. Bagong bahay.