Ni REY G. PANALIGAN
Pinalakas ng Supreme Court ang security measures para sa bar examinations ngayong taon.
Sa pamamagiatn ni Justice Diosdado M. Peralta, chairman ng Bar Examinations Committee, inobliga ng SC ang lahat ng examinee na gumamit ng transparent o see-through na bag para sa kanilang mga libro, materyales sa bar, at iba pang gamit bilang bahagi ng security measures.
Nakasaad sa memorandum ng SC: “Considering the number of examinees that will be taking the Bar Examinations this year and to speed-up the inspection of bags and personal belongings of the examinees before entering their respective room assignments, and to further ensure the safety and security of the examinees and bar personnel, the Court decided to adopt the policy of the use of transparent or see-through bags, ziplock bags, purse, containers, and the like by all examinees as one of the security measures in the upcoming and succeeding Bar Examinations.
“All the examinees should place their books, bar materials, pens, food, water, and other personal items inside transparent or see-through bags, clear zip-lock bags, pouches, lunch boxes, clear water containers, and other similar containers.”
Naunang inihayag ng SC ang pagpapasara sa ilang kalsada sa bisinidad ng UST sa panahon ng apat na Linggo ng pagsusulit. Hiniling nito sa Philippine National Police (PNP) na mahigpit na bantayan ang mga sidewalk na nakapaligid sa UST campus partikular ang España, Lacson, Dapitan at P. Noval.