Paulo-KC-copy

TINANONG namin si Paulo Avelino sa finale presscon ng Sana Bukas Pa Ang Kahapontungkol sa sinabi ni LJ Reyes na payag itong ipakilala ang anak nilang si Aki kay KC Concepcion at napangiti lang ang aktor.

Natawa nga kami kasi nag-abiso kami bago kami nagtanong kay Paulo, na sinagot niya ng, ‘Paiiyakin mo na naman ako, ate, eh!” Natandaan pala niya kung paano namin siya sinunud-sunod ng tanong tungkol kay LJ na nang mga panahong iyon ay hindi pa siya open na pag-usapan ito.

Anyway, ang nakatawang reaksiyon ni Paulo sa sinabi ni LJ: “Well, thank you, thank you, kahit sino naman siguro ‘yung makatuluyan ko or anything or makasama ko habambuhay, ganu’n din naman ako siguro kapag nahanap na niya (LJ) ‘yung taong para sa kanya na makakasama niya habambuhay. I’m sure I’ll be giving the same support she’s been giving me.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Open na si LJ na makasama siya sa iisang project, ganoon din ba siya?

“Yeah, wala namang problema sa trabaho, pero parang malabo lang ngayon, pero bakit hindi,” sagot ng aktor.

Malabo siguro dahil magkaiba sila ng network, pero sa pelikula ay posible dahil walang exclusive contract si LJ at gayundin ang aktor sa movie outfits.

Marami pa sana kaming gustong itanong kay Paulo, pero nakiusap na siyang okay na dahil alam siguro niyang marami kaming baon.

Anyway, marami ang nagulat na patapos na agad ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon na pakiramdam ng lahat ay pinutol dahil hindi naramdaman na naka-17 weeks na pala ito.

“Actually, lumampas na nga kami sa target (weeks), hindi ko nga alam na humaba na (17 weeks), so okay na rin, at least may time na ring magpahinga nang konti. May kailangan kasi akong tapusing pelikula sa Regal/Reality with Isabelle Daza at Jasmin Curtis, horror movie po.”

Tungkol naman sa passionate love scene nila ni Bea na ayon sa viewers ay kitang komportable sila habang ginagawa iyon at nag-trending pa:

“Siguro po hindi kami magiging komportable ni Bea sa mga ganu’ng eksena but what we could do is focus on what characters needs to do and siguro nandoon pa rin ‘yung respeto sa isa’t isa.”

Inamin ni Paulo na inaasar siya ni Bea sa set serye nila.

“Hindi ko alam kung saan niya hinahagilap ang mga impormasyon niya, parati niya akong inaasar sa set, asar-talo lagi ako. Pero si Bey (tawag kay Bea), kasi alam mo ‘pag masaya siya lalo na ‘pag galing siya sa bakasyon, pagdating niya, iba ‘yung aura niya, sobrang ganado magtrabaho, nauuna sa set.”

Napansin ng press na madaldal ngayon si Paulo, kaya sinamantala nang kumustahin ang status nila ni KC Concepcion.

“Tulad ng sinagot ni KC sa KrisTV, we’re best friend, nag-uusap kami ever since, hindi naman nawala ‘yun, wala namang nagbago, we’re friends, pareho kaming nagtatrabaho, nagkoconcentrate sa trabaho namin, so ganu’n.”

Very safe answer.

Best friend lang talaga?

“Magkakaiba kasi tayo ng interpretation, pero okay na kami sa best friend,” pagtatapos ni Paulo.