EDU Manzano

ISANG ABS-CBN insider ang nagbalita sa amin na may nagaganap na negosasyon between Edu Manzano at Kapamilya Network executives.

Nakipag-usap na raw ang kampo ni Edu sa top guns ng Dos at inilatag naman ng istasyon ang show na maaaring gawin ni Edu.

Reliable ang tsikang ito dahil kasama pa ang source namin sa mga katsikahan ni Edu bago nakipag-usap ang aktor/TV host sa executives ng Dos.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Nagdayalog pa nga raw si Edu sa kanila na sana ang susunod na TV show niya ay sa ABS-CBN na.

Sa naturang source rin namin nalaman na matatapos na ang kontrata ni Edu sa TV5.

Isa sa hosts ng Face The People sa Singko si Edu pero dahil nga patapos na ang kontrata niya ay libreng-libre na siyang umalis sa ‘talakserye’. Co-hosts niya sa Face The People sina Gelli de Belen at Tintin Bersola.

Nalaman din namin na isa sa magiging cast ng sisimulang teleserye ng ABS-CBN si Edu.