BAMBAN, Tarlac— Isang barangay health worker ang nahaharap ngayon sa kaso matapos saktan ang isang bata sa Centro, Barangay Sto. Nino, Bamban, Tarlac noong Lunes ng hapon.

Positibong kinilala ni PO2 Romalyne Sediaren, may hawak ng kaso, ang biktimang si Mjay, 12, habang ang suspek naman ay si Jacqueline Supan, 48, may-asawa, kapwa residente ng nasabing lugar.

Bandang 10:00 ng umaga habang ang biktima at ilang kaibigan ay naglalaro ng text cards sa barangay health center ay biglang umiyak si Ivan, apo ng suspek dahil kinuha ng mga bata ang kanyang baraha, na ibinalik naman ni Mjay.

Ayon sa report, nang malaman ni Supan ang nangyari ay kaagad nitong sinugod ng mga batang naglalaro at napagbalingan ng galit si Mjay hanggang kalmutin niya sa mukha, pingutin ang tainga at itulak ang bata.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakita naman ng ama ng biktima ang pananakit ni Supan at nagharap ng reklamo sa pulisya.