Walang plano ang wanted na founding chairman ng Moro National Liberation Front (MNLF) na si Nur P. Misuari na dumalo sa pagdinig ng Kongreso sa Bangsamoro Basic Law (BBL), ayon sa malapit niyang kaibigan na si Father Eliseo “Jun” Mercado.

“Hindi dadalo si Nur. Hindi na kailangang imbitahan pa siya,” sinabi ni Mercado sa isang panayam kamakailan.

Aniya, hindi ang pagdinig sa BBL ang hangad ni Misuari kundi ang “congressional investigation sa labanan sa Zamboanga City dahil siya ang sinisisi ng lahat,” sabi ni Mercado.

Tinukoy ni Mercado ang tatlong-linggong Zamboanga standoff noong Setyembre 2013 nang sumalakay sa lungsod ang MNLF, sa pangunguna ni Kumander Ustadhz Khabier Malik, at sa paglalaban ay mahigit 200 ang nasawi, karamihan ay mula sa MNLF. - Edd K. Usman
Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon