Agaw-buhay ngayon sa pagamutan ang isang 12-anyos na bagets na napagtripang saksakin ng hindi pa nakilalang tambay sa Lungsod Quezon kahapon ng madaling araw.

Itinago ang biktima sa pangalang “Emerson”, residente ng Litex Road, Barangay Commonwealth, Quezon City. Siya ay nakaratay ngayon sa East Avenue Medical Center dahil sa tama ng ice pick sa dibdib.

Base report ng Kamuning Police Station 6, dakong 1:00 ng madaling araw, pauwi ang biktima nang biglang sumulpot ang suspek at sinaksak siya, at mabilis na tumakas.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20