Setyembre 30, 1955 nang mamatay ang 24-anyos na aktor na si James Byron Dean sa isang aksidente habang nagmamaneho patungong Salinas, California, makaraang makasalpukan ng bagumbago niyang Porsche 550 Spyder ang isang 1950 Ford Tutor.
Bandang 5:30 ng umaga at nagmamaneho si Dean sakay si Rolph Wutherich, patungong kanluran ng Highway 466 (ngayon ay State Route 46) nang tinangka ni Donald Turnupseed na kumaliwa sa Highway 41, at hindi na niya naiwasan ang sasakyan ng aktor.
Isinugod si Dean sa Paso Robles War Memorial Hospital sa California, pero hindi na siya umabot nang buhay at idineklarang patay dakong 6:20 ng gabi. Nakaligtas naman si Turnupseed.
Dahil sa maagang pagkamatay ay nagkaroon ng cult status si Dean. Noong 1956, na-nominate si Dean bilang Best Leading Actor sa kanyang pagganap sa “East of Eden.” Muli siyang nakatanggap ng nominasyon sa parehong kategorya nang sumunod na taon, para sa pelikulang “Giant.”