MGA opisyal ni Pangulong noynoy na nasa sensitibo at mahalagang posisyon ang maingay nang pinagre-resign ng kanyang boss. Sila ay sina Budget Secretary Butch Abad, Department of Agriculture Secretary Proceso Alcala, PnP Chief Allan Purisima at Secretary of Health Ona. Si national Food Authority Administrator Juan ay nag-resign na at ang kanyang resignation ay irrevocable. Ito ang taong hindi kapit-tuko sa posisyon dahil ang uri ng kanyang pagdedesisyon ay hindi mababali. Pumayag man o hindi, tanggapin man o ayawan ang kanyang resignation ng sinumang nagtalaga sa kanya sa posisyon, hindi na magbabago ang kanyang pasya na iwanan na ito. Hindi gaya siya nina Abad at Alcala na nagresign nga pero kung tatanggapin daw ito ng Pangulo. Dahil hindi tinanggap ni Pnoy, hindi sila nagresign. Ang mga ganitong uri ng resignation ay nagpapahiwatig lang na walang silang balak umalis sa pwesto. Kapit-tuko sila rito, pakitang tao at drama lang ang kanilang ginagawa dahil alam nila na hindi ito tatanggapin ng Pangulo. Malakas yata sila.

-Kaya, hindi totoo ang laging ipinangangalandakan ni Pnoy na boss niya ang taumbayan. Ang taumbayan mismo ang sumisigaw na magresign na ang apat, pero patuloy niyang ipinagtatanggol ang mga ito at nililinis ang kanilang mga pangalan. Ang mga opisyal na kinakalinga niya ay napakabigat na bagahe na dala-dala niya sa pagtalunton niya ng kanyang “tuwid na daan” kung hindi niya bibitawan ang mga ito. Lalo lang hindi niya mapapaniwala ang kanyang boss na sa pagtatapos niya ng termino ay matatawid niya ang “tuwi na daan” at sa kanilang ikakabuti ang magiging bunga nito. Maliwanag na kasi sa mamamayan kung sino ang apat na ito sa pagganap nila ng kanilang tungkulin. naiugnay na sila sa tiwaling pamamalakad at kawalan ng kakayahang tuparin ang naiatang na tungkulin sa kanila. Isinakripisyo nila ang kapakanan ng nakararami at sinarili nila ang benepisyo na dapat ay ibigay at ikalat sa kanila ng gobyerno. grabeng bumabalandra ito sa Pangulo at sa nais niyang mapaniwala ang sambayanang Pilipino na “tuwid na daan” pa ang kanyang tinatalunton.
Eleksyon

SP Chiz sa pagtakbo ni Quiboloy bilang senador: ‘Karapatan niya ‘yon!’