AMADEO, Cavite – Patay ang anak ng isang murder suspect matapos hagisan ng granada ang bahay ito ng isang hindi kilalang lalaki sa bayan na ito kahapon ng madaling araw.

Ideneklarang dead-on-arrival si Russel Payas Almeria, 19, isang poultry helper, sa Asian Medical Center sa Dasmariñas City noong Lunes. Ang kanyang ina na si Rosemari at mga kapatid na sina James at Clarisse ay himalang nakaligtas sa insidente.

Ayon kay Senior Insp. Bismark Mendoza, may posibilidad na paghihiganti ang motibo sa paghahagis ng granada sa bahay ng mga Almeria dahil ang biktima ay anak ng tinaguriang “Amadeo’s wanted man” na si Edgar “Egay” Almeria.

Si Egay Almeria ay kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya dahil sa kasong pagpatay na naganap nitong nakaraang taon.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Sinabi ni PO1 Glenford D. Alcaraz, officer-on-case, inihagis ang granada sa bahay ng mga Almeria habang ang mga ito ay natutulog sa sala dakong 1:45 ng madaling araw.

Binuksan pa umano ng salarin ang isang bintana ng bahay kung saan nito inihagis ang granada.