Hindi na nakayanan ng isang mister ang problemang dulot ng kawalan niya ng pirmihang hanapbuhay kaya nagawa niyang magbigti sa loob ng bahay, Linggo ng gabi.

Dead on arrival sa San Lorenzo Ruiz Women’s hosiptal si Richard Ramos, 34, ng No. 606 C.M. H. Del Pilar Street, Barangay Santulan ng nasabing lungsod.

Sa report ni PO2 Benjamin Sy, ng Station Investigation Division (SID) ng Malabon City Police, bandang 10:00 ng gabi nang nakita si Ramos ng anak niyang babae na nakabigti sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Sa suicide note ni Ramos ay nakasaad na nagawa niyang magpatiwakal dahil nahihiya siya sa asawa’t mga anak sa kawalan niya ng trabaho.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Bago ang insidente, napansin ng pamilya ni Ramos na lagi siyang walang kibo at malungkot.

Payo naman ni P02 Sy, hindi solusyon ang pagpapakamatay sa anumang problemang dumadating sa buhay ng tao.