Iniulat ng Bureau of Customs (BoC) ang pagtaas ng koleksiyon nito mula Enero hanggang Agosto ng taong ito na umabot sa P232.92 bilyon, 17 porsiyentong mas mataas kumpara sa nakalipas na taon.

Ayon sa BoC, nitong Agosto lang ay umabot sa P29 bilyon ang koleksiyon ng kawanihan na 11 porsiyentong mas mataas sa P26.08 bilyon nakolekta sa kaparehong buwan noong 2013.

“Actual cash collection continued to post double-digit growth, reaching 13.4 percent in August alone and 17.4 percent for the first eight months of 2014,” anang BoC.

Gayundin naman, tumaas din ng 42 porsiyento ang koleksiyon ng Port of Batangas noong Agosto. Ayon sa mga opisyal, bunsod ito ng desisyon ng mga importer na idiretso sa Batangas ports ang kanilang mga kargamento upang makaiwas sa pagsisikip sa mga pantalan sa Maynila.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“The Batangas port also breached its P6.1-billion target for the month by 18 percent. Other ports that showed significant gains versus their respective monthly targets are the ports of Iloilo, Subic, Aparri and Davao,” anang BoC. - Jenny F. Manongdo