INCHEON– Bumuwelta si Princess Superal mula sa double bogey at pumalo ng three-under par 69 upang iwanan ang solo leader na si Sangchan Supamas ng Thailand ng dalawang shots sa women’s individual event ng golf sa 2014 Asian Games.

Naisakatuparan ni Superal, isa sa pinakaaasahang hahablot ng gold medal sa bansa, ng anim sa par-4 10th hole kung saan siya nagsimula, ngunit nagkalmado at humirit ng limang birdies upang makalapit sa medal contention.

Naimintis ng 17-anyos prodigy ang green, humantong ang bola sa matigas na lugar sa labas ng bunker. Sinubukan nito ang bump-and-run, ngunit nanatili ang bola sa short grass. Muli nitong hinataw ang bola at napasakamay ang dalawang putts sa natatangin black mark sa kanyang round.

Nabigyan kredito ni Superal ang kanyang superb putting para makarekober. Sa hole No. 5, ‘di na niya kinailangan ang putt, nakita ang kanyang wedge shot sa cup.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nanggaling ang tatlong birdies mula sa 16 feet at isa pa mula lamang sa two feet.

Naisakatuparan nito ang back-to-back birdies mula sa 11th hole at iwinasiwas ang isa pang stroke sa No. 6 upang mapasakamay ang laro sa one under. Ang birdies sa fifth at sixth holes ang nagbigay sa kanya ng seryosong kontensiyon.

Nanatiling nakatutuok kay Superal ang Koreans.

“Magaling po ang Koreans eh. For sure, under sila ng malaki sa mga next na days. So dapat, consistent pa din kami,” saad ni Superal na nagkaroon ng broke par bagamat nakahirit lamang ng 12 greens.

Nagkaroon din ng kaaya-ayang panimula si Miya Legaspi na tangan ang 70 kung saan ang women’s squad ay humagibis sa kontensiyon na may 139, may apat na shots sa likuran ng pacesetting Thailand.

Nagposte si Legaspi ng apat birdies kontra sa dalawang bogeys. Hindi napahanay sa bilang si Pauline del Rosario na may 78.

Ang 17-anyos na si Superal, nagwagi ng pitong titles sa season na ito, ay tumabla sa ikaapat kasama si Japanese Minami Katsu at Kitty Tam ng Hong Kong.

Nagsalo sina Korean Lee Soyoung at Sukapan Budsabakorn sa second spot na mayroong tig-68.

Ang five-team race ay nakatuon din sa women’s team event na taglay lamang ang pitong strokes na humiwalay sa Thailand at fifth-placed Japan.

Ikinasa ng Thailand ang 67 at 68 mula kina Sangchan at Sukapan Budsabakorn upang mamuno na taglay ang 135, may three shots ahead sa South Korea at four up sa Philippines. Nasa ikaapat ang China na mayroong 141 na sinundan ng Japan na may 142.

Sa men’s division, ang Pilipinas ay nasa ika-10 spot sa team event na taglay ang 218, 13 shots sa likuran ng co-leaders na Chinese-Taipei at South Korea.

Si Justin Quiban ay ang best Filipino performer na mayroong 71 na sinundan ni Rupert Zaragosa na may 70 at Raymart Tolentino na taglay ang 73. Hindi napabilang si Kristoffer Arevalo na may 79.

Pinangunahan ni Pan Cheng Tsung ng Chinese-Taipei ang individual race na taglay ang 66, isang kalamangan lamang kina Kim Namhum at Youm Eunho ng South Korea.