Karylle_REGGEE-copy

ANUMANG pilit sa It's Showtime host na si Karylle na pagsalitain tungkol sa nalalapit na kasal ng kanyang ex-boyfriend na si Dingdong Dantes kay Marian Rivera, walang mapiga ang mga intrigero't intrigerang katoto.

"Ako kasi wala na ako sa eksenang' yun, so ayoko naman din sumingit," napangiti na lang niyang pahayag. "I think 'yun na lang siguro for now sasabihin ko. Ang ganda-ganda ng kasal, eh. Weddings are wonderful. I'm still on a wedding high and next month lalabas ako sa Metro Weddings so abangan n'yo na lang 'yon. Everyone deserves to have a wonderful wedding and that's what I've experienced and until now I can't stop talking about our wedding. And nag-blog pa nga ako about the wedding kasi hindi ako maka-get over, so huwag natin sirain 'yong maganda. Maganda 'yon, eh," masaya niyang sabi.

Nasa honeymoon stage pa rin si Karylle at ang Spongecola frontrnan na si Yael Yuson after ng kanilang kasallast March. Kaya ang pagiging Mrs. Yuson ang lagi niyang ibinibida kapag inuurirat siya sa mga isyung may kaugnayan sa ex at sa kasal. Ngayon ay sinisikap niyang maging plain housewife, laging nasa bahay kung wala rin lang trabaho, at pinagsisilbihan si Mister.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Pero matatagalan pa rin bago siya maka-adjust bilang Mrs. Yuson, at balang araw ay magkakaroon din ng supling.