Napalawig ng defending champion Chiang Kai Shek College (CKSC) at season host La Salle College-Antipolo ang kanilang unbeaten record upang masiguro ang semifinals round ng 45th WNCAA junior basketball sa CKSC Narra gym sa Manila.

Tinalo ng Junior A top ranked LSCA ang St. Stephen's High School, 58-19, habang ginapi naman ng Junior B topnotcher CKSC ang St. Paul College (SPC) Pasig, 68-38, sa kanilang quarterfinals matches.

Dahil kapwa din winalis ng LSCA at CKSC ang lahat ng kanilang limang laro sa elimination round games, bibitbitin nila ang twice-to-beat bonus papasok sa semifinals.

Sa iba pang laro, nagwagi din ang Miriam College laban naman sa Assumption College, 56-38, habang pinataob ng De La Salle Zobel ang Angelicum College, 66-49, para makopo ang nalalabing Final Four berths.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nakatakdang makasagupa ng LSCA ang DLSZ habang magtutuos naman ang CKSC at Miriam bukas sa Final Four sa Rizal Memorial Coliseum.

Sa junior volleyball ng ligang ito na suportado ng Mikasa, Molten, One A Bed and Breakfast, Goody, Monster Radio RX 93.1 at AksyonTV, nangibabaw naman ang midget at junior squads ng Mirriam sa pagtatapos ng elimination round.

Iginupo ng Miriam ang San Beda Colege (SBC) Alabang, 25-4, 25-5, para tumapos na may barahang 6-1 (panalo-talo), kapantay ng Poveda na bumaba sa ikalawang puwesto dahil sa winner-over the other rule.

Pumangatlo naman sa kanila ang defending champion DLSZ na nagtapos na may kartadang 5-2.

Sa n Junior A, naungusan ng Miriam ang St. Scholastica's College, 17-25, 25-12, 25-19, 25-21, para makumpleto ang 5-0 sweep na nagbaba naman sa kanilang biktima sa ikalawang puwesto sa barahang 4-1 (panalo-talo).

Samantala, sa senior futsal, tatangkain ng Rizal Technological University (RTU) na makamit ang ikalimang sunod na titulo sa pagsagupa sa Centro Escolar University (CEU) sa kanilang laban sa kampeonato sa darating na Linggo habang paglalabanan naman ng Philippine Women's University (PWU) at Assumption College ang ikatlong puwesto.