Setyembre 25, 1906, itinanghal ni Leonardo Torres Quevedo (1852-1936) ang telekino, isang robot na sumusunod sa mga utos na idinidikta ng electromagnetic waves. Sumaksi sa kanyang presentation si King Alfonso XIII ng Spain.

Ang radio controller ay kayang bumuo ng mga tagubilin na itulak, hilahin o paikutin ang isang tricycle. Binubuo ito ng isang transmitter at receiver. Ang telekino ay naging pasimula ng mga modernong TV clicker at video game controller, at marami pang iba.

Unang ipinakita ni Quevedo ang kanyang imbensiyon sa Paris Academy of Science noong 1903.

Si Quevedo ay napukaw ng pagsubok sa mga airship nang hindi inilalagay sa panganib ang buhay ng piloto, ngunit kulang sa pondo para kontrolin ang sasakyang panghimpapawid.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Isinilang sa Cantabria, Spain noong Disyembre 28, 1852, ang kanyang ama ay isang railway engineer. Noong kanyang kabataan, dahil kanyang masidhing interes sa science and technology, iginugol niya ang kanyang buhay sa paggawa ng mga technological experiment.

Namatay si Quevedo sa Madrid noong Disyembre 18, 1936.