Lauren-Young1

Ni REMY UMEREZ

HINDI lang si Kris Bernal ang umamin na may crush kay Dennis Trillo.

Hindi rin itinatago ni Lauren Young na noon pa man ay may crush na siya sa aktor. Kaya lalo siyang pinasaya nang isama siya sa cast ng Hiram na Alaala, bagong teleserye ng GMA, na ang role niya ay bilang girlfriend ni Dennis at hindi siya kontrabida na siyang inaakala ng marami.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Kuwento ni Lauren, natulala siya sa first day of taping nila lalo na’t intimate scene agad nila ni Dennis ang kinunan.

“Conscious po ako at nakalimutan ko ang linya ko. It was embarassing dahil first time itong nangyari sa akin. Hindi ko inakalang kissing scene agad ang eksena namin,” kuwento pa ng dalaga.

“I find Dennis a brilliant actor bukod sa guwapo. But don’t get me wrong, hanggang crush lang po ako dahil wala akong intention na makipag-boyfriend sa isang showbiz personality,” dagdag ni Meagan.

Wala ring balak si Lauren na sumali sa mga beauty contest tulad ng kanyang kapatid na si Meagan na bata pa lamang ay naka-focus na sa dream nito na maging beauty queen. Enjoy na enjoy siya sa pag-aartista at nagpapasalamat siya sa GMA dahil sunud-sunod ang projects na ibinibigay sa kanya.