Inatasan na sumailalim sa lifestyle check ang 150,000 opisyal at kawani ng Philippine National Police (PNP) - mula kay Director General Alam Purisima hanggang sa pinakamababang ranggong pulis. Ito ang inanunsiyo ni Secretary Mar Roxas of the Department of Interior and Local Government (DILG) noong isang araw. Ang order ay bunsod ng biglaang paglutang ng mga ulat tungkol sa ilang miyembro ng PNP, simula sa umano’y hulidap sa ilang negosyante sa EDSA sa Mandaluyong City.

Sinabi ni Sec. Roxas na nakipag-ugnayan siya kay Commissioner Kim Henares ng Bureau of Internal Revenue (BIR), na nagsasagawa na ng mga lifestycle check sa mga kawani nito at yaong nasa iba pang kagawaran ang ahensiya na nasa ilalim ng Department of Finance (DOF). Sa simula, susuriin sa PNP check ang Statement of Assets, Liabilities, and Networth (SALN) ng mga kawani. Hihimukin ang publiko na magpadala ng impormasyon hinggil sa mga mamahaling bahay, mga kotse, mga anak na nag-aaral sa mga exclusive school, madalas na paglalakbay sa abroad, atbp., na hindi naman katimbang sa suweldo ng miyembro ng PNP, ani Roxas.

Nagkaroon ng mga tanong ang hakbang na ito: Bakit nililimitahan ang lifestyle check sa mga ahensiya ng DOF at ngayon sa PNP naman? Bakit hindi ito para sa lahat ng kawani ng gobyerno? Lahat ng nasa gobyerno ay nagsusumite ng kanya-kanyang SALN, ngunit pina-file lang ito.

Nakarating ang isyung ito sa ilang miyembro ng Kamara at maraming kongresista ang may iba’t ibang opinyon na sang-ayon at kontra. May ilan na tinanggap ang mungkahi. May nakapagsabi na makatutulong ito upang maibalik ang tiwala ng sambayanan sa Kamara na nagdusa kamakailan mula sa kontrobersiya sa Priority Development Assistance Fund. May nakapagsabi rin na hindi na kailangan ang lifestyle check dahil sumasailalim na ang mga kongresista sa iba’t ibang check-and-balance, kabilang na ang mula sa mga botante sa panahon ng eleksiyon. Isang House leader, na tumangging magpakilala, ang nagsabi na maaaring magpasa ng isang lifestyle check ang Kamara.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Maraming iba’t ibang problema, kabilang ang malawakang pagdodokumento at gugugol ng mahahabang oras ng pag-iimbestiga ang napapaloob dito. Kailangang magkaroon ng isang sistema upang gumana ito.

At habang naroon na tayo, maaari nang manguna ang iba pang tanggapan ng gobyerno at mga opisyal na sumailalim sa sarili nilang lifestyle check, lalo na yaong nasa Senado at sa Gabinete na napabalita tungkol sa PDAF at Disbursement Acceleration Program.

Naitatag ang administrasyong Aquino sa isang pangako na aalisin ang katiwalian at pamumunuan ang banta sa pagtahan ng Daang Matuwid. Maaaring isang paraan ang lifestyle check upang mapanatili ang lahat sa linya at kumbinsihin ang sambayanan na tunay ngang tumatahak sila sa matuwid na daan.