Tapos na ang unos sa pagitan ng Rain or Shine at ng kanilang pointguard na si Paul Lee.

Nagdesisyon na ang Elasto Painters playmaker na lumagda ng panibagong dalawang taong kontrata sa kanyang mother team.

Ito ay matapos ang may ilang linggo ring palitan ng mga pahayag sa iba’t-ibang media outfits sa pagitan ng kampo ng manlalaro at ng koponan hinggil umano sa kagustuhan ng manlalaro na magpa-trade sa ibang koponan habang nasa Spain ito kasama ng national men’s basketball team na sumabak sa katatapos na FIBA World Cup.

Nakakuha si Lee ng 2-year maximum contract na nagkakahalaga ng mahigit KabilingP10-milyon na kanyang nilagdaan noong Biyernes bago siya umalis kinabukasan para makasama ng Gilas Pilipinas na nakatakdang sumabak sa Asian Games sa Incheon, South Korea sa tanggapan ng kumpanya sa Pasig City.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Nakapaloob sa nasabing kontrata ang pagtanggap ng 6-footer na dating University of the East standout ng buwanang suweldo na P420,000.

Bunga ng mga pinakahuling pangyayari, mas lalong lumakas ang backcourt ng Elasto Painters ngayong magkakasama na sa iisang koponan sina Lee at ang kanilang second overall pick na si Kevin Alas.