MAGTANIM AY ‘DI BIRO ● Iniulat kamakailan na isinusulong ni Sen. Cynthia Villar ang panukalang maglagay ng mga provincial agriculturist sa sektor agrikultura upang maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga magsasaka. Magandang idea itong isinusulong ng minamahal nating Senadora lalo na kung maaasahan ang naturang agriculturist sa pag-aambag ng kanilang galing upang mapaunlad ang produksyon sa agrikultura. Ani Sen. Cynthia, “You (provincial agriculturists) play a big role to achieve food security and self-sufficiency. You are the partners of our farmers and fishermen in their job due to the technical services that you provide them. You also serve as the link of the government to the private and public sectors”.

Aniya pa, kailangan din na magkaroon ng mg bagong estratehiya at ng latest technology upang mapaigting ang produksiyon. Nangangahulugan din aniya ito ng pag-angat ng antas ng kabuhayan ng pinakamahihirap na manggagawa sa bansa – ang ating mga magsasaka at mangingisda. Ayon sa ulat, base sa talaan ng National Statistical Coordination Board, ang mga magsasaka at mangingisa ang tumatanggap ng pinakamababang sahod sa isang araw na umaabot lamang sa P156.8 at P178.43. Ang mga magsasaka ng niyog sa Davao ay kumikita lamang ng mababa sa P50 kada araw. Napapanahon na upang tulungan ng gobyerno ang mga magsasaka pang lumaki ang kanilang kita. Mangyayari lamang ito kung may sapat na pondong susuporta rito upang maging epektibo ang programa.

MAG-INVEST KAYO SA AMIN ● Sa pagbisita ni Pangulong Noynoy kamakailan sa Spain, hinikayat niya ang mga negosyanteng Kastila na mamuhunan sa Pilipinas. Iniulat na sa isa niyang talumpati sa harap ng business groups, sinabi niya na napapanahon ang kanyang imbitasyon habang unti-unting bumabawi ang ekonomiya ng Spain. Iniulat ng Pangulo na nasa 6.3 percent na ang naitalang GDP growth ng Pilipinas habang nakakuha na rin ito ng investment grade mula sa Moody’s, Standard & Poor’s at Fitch. Iminungkahi ng Pangulo na maaaring paglaanan ng puhunan ang sektor ng turismo ng Pilipinas. Aniya, “As the Spanish economy shows encouraging signs of recovery, I believe that this is an opportune time to invite you to invest in a resurgent economy. Mahalagang hakbang ito ng Pangulo upang mapaigting ang sektor ng turismo ng bansa. Sa pagtaya ng ating mga economic analyst, hindi malayong ang sektor ng turismo ang isa sa mga haligi ng matibay na ekonomiya ng ating bansa.
National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!