PRESIDENT QUIRINO, Sultan Kudarat – Sumalakay ang may 10 armadong lalaki habang abala ang ilang magsasaka sa kani-kanilang bukirin sa Barangay Katiku sa bayang ito, kahapon ng umaga, bagamat walang napaulat na nasaktan o nasugatan sa insidente.

Batay sa nakalap na impormasyon mula kay Sancho Salamanca, chairman ng Bgy. Katiku, isang malakas na pagsabog na sinundan ng sunud-sunod na mga putok ng baril ang iniulat ng apat na hindi pa nakikilalang magsasaka sa pagitan ng mga barangay ng Katiku at Bagumbayan sa President Quirino.

Kasama ni Salamanca na rumesponde ang ilang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) at nadatnan na sa lugar ang ilan pa mula sa CAFGU at Philippine Army na nagsabing umatras na ang mga suspek.

Bagamat wala pang kumpirmasyon ang militar, sinabi ng ilang magsasaka na ang mga sumalakay ay pinamumunuan ng isang Kumander Magnum ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). - Leo P. Diaz
National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso