Ara-Mina-copy

ANIM na buwan nang buntis si Ara Mina sa magiging panganay nila ni Bulacan Mayor Patrick Meneses. Baby girl ang magiging baby nila.

Ayon kay Ara, wala pa silang naiisip na magiging pangalan ng kanilang magiging bundle of joy. Hahayaan daw niya na ang ama ng ipinagbubuntis niya ang magbigay ng pangalan sa sanggol na ipapanganak niya sa December.

Ipinagmamalaki ni Ara na may bitbit na suwerte ang ipagbubuntis niya. Nararamdaman kasi niyang mabilis ang dating ng tagumpay sa kanyang negosyong Ara's Secrets na pawang pampagandang produkto.

National

ITCZ, magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa

Pagkatapos mai-feature ni Kris Aquino sa KrisTV ay mas dinadayo ang negosyo niya ng iba’t ibang mga buyers at gustong maging retailers nila. And take note, hindi lang mga nakabase sa Pilipinas ang nagnanais maging retailer kundi pati mga Pinoy ding nasa iba’t ibang panig ng mundo!

“May hatid na suwerte sa business ko ang aking baby girl. Unexpected ‘yung dami ng orders at gustong magbenta ng Ara’s Secrets kaya busy kami ngayon sa shipment. Pero they can also buy Ara’s Secrets sa Tiendesitas sa Pasig,” masayang kuwento pa ni Ara.

Aniya pa, kung may mga nagbubuntis man na medyo nahihirapan ay hindi raw niya ‘yun naramdaman. Hindi siya hirap sa kanyang pagbubuntis at hindi rin siya ga anong nagkaroon ng morning sickness.

Ang problema nga lang daw ay mas naging matakaw siyang matulog ngayon.

“Okey lang daw naman ‘yon sabi ng doktor ko. Sa pagkain, hindi naman ako nagki-crave ng certain food, ‘yung normal lang,” sey pa ng aktres.

Samantala, kahit anim na buwan na ang ipinagbubuntis niya ay tinanggap pa rin ni Ara ang role sa musical series ng Kapatid Network na Trenderas.