Sinuspinde ng National Food Authority (NFA) ang accreditation ng 32 rice retailer sa South Cotabato dahil sa mga paglabag.

Sinabi ni Guialudin Usman, provincial manager ng NFA-South Cotabato, na ang suspensyon ay bahagi ng patuloy nilang kampanya laban sa illegal na pagbebenta ng bigas sa lalawigan.

Tinukoy niya ang mga paglabag ng retailers mula sa rice diversion hanggang overpricing at pagri-rebag ng NFA rice sa commercial sacks.

“The 32 violators will be penalized with suspension of their rice allocations from two weeks to two months, depending on the degree of their violations,” ani Usman.

VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

Patuloy pa rin aniya ang kanilang surprise inspections sa mga bodega, rice miller, at rice outlet sa probinsya sa tulong na rin ng kanilang itinatag na Task Force Kaayusan upang sugpuin ang talamak na illegal rice trading.