Setyembre 4, 1888, ipinarehistro ni George Eastman ang trademark na “Kodak,” at natanggap ang patent para sa kanyang camera.
Gumamit si Eastman ang isa pang photographic technology nang mga panahong iyon, ang gelatin emulsion, upang mapanatiling light-sensitive ang coated plates kahit na tuyo na ang mga ito, nangangahulugan na maaari silang i-expose sa kagustuhan ng photographer.
Habang sinisikap na magtagumpay ng kanyang batang kumpanya, kalaunan ay nalikha ni Eastman ang cellulose solution, na nakakapagprodyus ng mas malinaw na imahe kaysa papel, at mabilis na ilagay sa film roller. Nagbigay daan ito sa modernong camera film.
Si Eastman ay isang visionary at marketing genius – siya ang utak ng ad line na “you press the button, we do the rest,” at pinili ang pangalang Kodak, dahil nagustuhan niya ang symmetry at naisip na mas madali itong maalala. Pagsapit ng 1976, nakuha ng Kodak ang 90-percent market share ng film market, at noong 1994, ay naiprodyus ang unang digital camera para sa Apple. Ngunit noong 2012, ang kumapanya ay naghain ng bankruptcy.