blind-copy-copy

HINDI pa rin talaga nagigising sa katotohanan ang singer-singeran/aktor-aktoran na walang kapupuntahan ang kanyang career kahit willing pa siyang gumastos ng malaking halaga para lang maisulat at makita siya sa TV maski panandalian lang.

Hindi namin matandaan kung ilang taon na sa showbiz ang trying hard singer/actor na halos naikot na ang lahat ng management company. Nahawakan ng mahihina hanggang sa mahuhusay, pero waley pa rin nangyari sa kanyang career.

In fairness, napanood naman sa ilang programa at pelikula ang trying hard singer/actor pero hindi naman siya nagmamarka kaya wala talagang nangyayari sa career niya. Ilang beses din siyang nagpapa-presscon para mag-promote ng kung anik-anik tungkol sa kanya, wala pa ring nangyari at hindi talaga siya napapansin ng producers.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

May nagpayo na sa trying hard singer/actor na magnegosyo na lang o tumulong sa business ng pamilya, pero gusto talagang mag-show at dahil paboritong anak ay suportado siya ng parents maski na yata maubos pa ang kayamanan nila.

Bakit kaya hindi na lang siya mag-produce ng shows/concerts dito at sa ibang bansa, tutal marami naman siyang kaibigang artista at singers at sila ang kunin niyang performers? At kung type niyang magkaroon ng special production number, e, di isama niya sarili niya.

Kaysa tuluyang maubos ang pera ng pamilya nila sa kapo-promote sa sarili niya, mag-produce na lang siya at least nasa showbiz pa rin siya.

Ano nga ba kulang sa trying hard singer/actor na ito, may itsura naman kahit papaano, mabait daw (hindi pa namin nakakausap), at okay namang magdala ng damit. Siguro wrong timing lang ang pagpasok niya sa showbiz kasi mas maraming nakahihigit sa kanya.