Arjo-Alex-copy

BAGO pa maging isyu kung bakit hindi si Arjo Atayde ang date ni Alex Gonzaga sa darating na Star Magic Ball, at si Joseph Marco raw ang mas pinili—ito ang totoong kuwento.

May nagtanong kasi sa amin kahapon dahil nasulat daw na mas pinili ni Alex si Joseph Marco gayong si Arjo ang very vocal na nagsasabing may crush sa bunsong nina Mommy Pinty at Daddy Carlito.

Unang-una, hindi nagsabi si Arjo kay Alex na sila ang magkasama sa Star Magic Ball dahil nagpaalam daw si Joseph sa una na siya na lang ang date ng dalaga? Kaagad namang pumayag ang anak ni Sylvia Sanchez.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

At para mas klaro ay kinontak namin si Arjo kahapon.

“Actually, Tita, gustung-gusto kong magsabi kay Alex, kaya lang I respect what she said before na she’s not ready yet for a date or magpaligaw, so hindi ako nag-try na magsabi.

“I will wait na lang when she’s ready. Ayoko po kasing mangulit, baka ma-turn off siya,” sabi ng aktor.

At ‘yung tungkol kay Joseph naman: “Joseph naman did not ask for permission sa akin kasi bakit naman, hindi ko naman girlfriend si Alex, nagsabi siya na he’s going to ask Alex, sabi ko, ‘go ahead, bro’ . Joseph is my best friend, sobrang best friend ko po siya talaga kaya support ako talaga.

“Eh, hayun, napa-oo niya, hindi ko alam kung paano niya napa-oo, ha-ha-ha!” tumawang sabi ni Arjo sa kabilang linya.

In the first place, si Joseph naman talaga ang ka-love team ni Alex sa Pure Love dahil siya ‘yung good boy sa istorya.

Samantala, tinanong namin si Arjo kung ano ang ginawa niya sa mall show ng Pure Love sa Marquee Mall sa Angeles City noong Sabado at sobrang applauded daw siya.

“Ah, the usual, Tita, kumanta ako ng Smooch ‘tapos ‘yung ngiti ko, ha-ha-ha. Niloloko nga ako ni Tita Neneth (handler niya) kasi ‘yun at ‘yun daw lagi kinakanta ko, baka raw maski tulog ako kumakanta ako.

“Eh, kasi, Tita, hindi pa ako nakakapag-aral ng bagong kanta. Ayoko naman ng recording, mas gusto kong mag-live kasi hindi nga ako singer, so ito ‘yung chance kong kumanta.

“Mag-aaral na ako ng bagong kanta, gusto ko ‘yung ‘Di Na Natuto ni Gary V, pag-aaralan ko talaga. ‘Tapos ‘yung Shout For Joy at ang last ko, Warrior Is A Child,” tumatawang sabi ng aktor.

Seryoso si Arjo na pawang Gary V hits ang kakantahin na niya sa susunod na mall show ng Pure Love.

“Puwede tita. Seryoso, gusto ko talaga ‘yung Di Na Natuto.”

Samantala, hindi lang si Arjo ang most applauded sa nakaraang mall show kasama rin sina Joseph Marco, Yen Santos at Alex na nagpakitang gilas din sa pagkanta at bumati naman sina Sunshine Cruz at Dante Ponce.