BINAN CITY, Laguna – Patay ang isang lalaki na tumangay ng isang taong-gulang bilang hostage matapos pagbabarilin ng isang police sniper sa Barangay Timbao sa siyudad na ito kahapon.

Kinilala ni Supt. Noel Alino, Binan City Police Station chief, ang napatay na suspek na si Romy Sulayao, tubo ng Samar at kasalukuyang nakatira sa lalawigan ng Quezon. Nagtamo si Sulayao ng isang tama ng bala sa ulo.

Sinabi ni Insp. Fernando Credo na dahil naburyong matapos matunugan na iiwan siya ng kanyang asawa, binitbit ni Sulayao ang isang taong gulang ng lalaki, na apo ng isang Francico Villamor, sa bubong ng isang tindahan sa talipapa dakong 6:30 ng umaga.

Agad na nakipagnegosasyon si Alino sa hostage-taker na huwag saktan ang sanggol at sumuko sa awtoridad. At habang iwinawasiwas ang batas sa ere at pinagmumura ang Philippine Army, pinutukan ng isang police sniper si Sulayao ilang metro ang layo mula sa posisyon ng suspek.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Napag-alaman na iniwan daw umano ng kanyang asawa; di pa natin alam kung galit ba ito sa mga sundalo natin,” pahayag ni Alino. - Ferdinand Castro