Sinabi ng House of Representatives Committee on Justice sa pangunguna ni Rep. Neil Tupas noong Martes na ang inihaing tatlong impeachment complaint laban kay Pangulong Aquino ay “sufficient in form”. Magpupulong ang komite sa Martes para sa susunod na bahagi ng kanilang trabaho, na alamin kung ang mga kasong inihain ay “sufficient in substance”.

Dahil may ilang sektor na ang nagsimulang mag-usap-usap tungkol sa paghahain ng mga kaso ng impeachment laban sa Pangulo hinggil sa Disbursement Acceleration Program (DAP) – na hinatulan ng Supreme Court bilang unconstitutional sapagkat ginastos ang pondo ng bayan nang walang pahintulot ng Kongreso alinsunod sa General Appropriations Act – maraming awtoridad ang nagsabi na ang impeachment ay mas pulitikal kaysa judicial process. At kung iisipin ang kamay ng Pangulo sa Kongreso, mas malamang na hindi maisusulong ang impeachment.

Batid ito ng mga naghain ng mga kaso ng impeachment, tiyak natin, at dapat tiyak din ng publiko. Dapat walang masusurpresa, kung gayon, kung sa susunod na pagpupulong, kapag nagpasya ang Justice Committee kung “sufficient insubstance” nga ang mga kaso, ay maghahangad sila. Kung sabagay, si Speaker Feliciano Belmonte Jr. mismo ang nag-dismiss ng mga kaso bilang “mahina” at mistulang “scraps of paper” lang.

Yaong mga naglunsad ng People’s Initiative upang ipatupad ang Act Abolishing the Pork Barrel System ay kailangang mag-ingat din huwag masyadong umasa sa tagumpay ng kanilang kampanya. Upang magtagupay ang initiative, kailangang makamtan nila ang mahigit tatlong porsiyento ng mga boto sa bawat distrito sa bansa. Maraming distrito ang kontrolado ng mga lokal na leader na maaaring humarang sa mga pagsisikap ng mga nangangampanya. Kaya hindi na kailangan ng bansa na mag-apruba ng initiative sa isang plebisito kung saan bibilangin ang mga boto sa pamamagitan ng mga PCOS machine.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ngunit sa harap ng mga paghihirap na ito, kailangang ihain ang mga kaso ng impeachment at ang initiative ng publiko laban sa pork barrel ay kailangang ilunsad. Ang mga naitatag na mga legal process ay maaaring maghadlang ngunit gayundin naman na nauunawaan natin ang pangangailangang maghain ng mga kaso ang ang paglulunsad ng inistative. Ito ay bahagi ng interaksiyon ng gobyerno at ng taumbayan. Ito ay isang pagpapatupad ng kanilang kalayaang magpahayag ng kanilang pananaw, na tumaliwas sa ilang polisiya at programa ng gobyerno, at manindigan.

Kahit walang mangyari sa mga pagsisikap na ito, mas mainam para sa mga opisyal ng bansa na pakinggan ang mga sinasabi ng mga taong ito, dahil sila ang mga nag-iisip at kumakalingang mga tao, lalo na ang mga leader ng Simbahan. Mayroon tayong matututuhan mula sa waring mga walang pupuntahang protesta.