HANOI, Vietnam (AP) – Iniulat ng state media na pinatawan ng parusang kamatayan isang korte sa siyudad na ito ang isang Pinoy dahil sa pagtutulak ng cocaine.

Iniulat ng pahayagang The Law and Society na pinatawan ng parusang kamatayan si Emmanuel Sillo Camacho, 39, dahil sa pagtutulak ng 3.4 kilo ng cocaine sa Vietnam mula Brazil.

Ang paglilitis ay isinagawa lamang ng isang araw, ayon sa ulat.

Si Camacho ay naaresto noong Disyembre 2013 matapos madiskubre ng awtoridad sa Noi Bai International Airport ang droga sa kanyang bagahe.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Sinabi ni Camacho sa korte na pumayag siyang bitbitin ang droga sa pakiusap ng isang Pinay na nakabase sa Brazil dahil pinangakuan ito ng trabaho na may $1,500 buwanang sahod sa isang bansa sa South America.

Ang Vietnam ang isa sa mga bansa na may mahigpit na batas laban sa ilegal na droga, kung saan ang pagbibitbit ng heroin ng may timbang na 100 gramo at pataas ay papatawan ng parusang kamatayan.