Natitiyak ko na naranasan mo na rin na matapos kang kumain at nagtulog agad, mahihirapan kang huminga kung kaya akala mo binabangungot ka. Sinasabi ng matatanda na masama ang matulog agad pagkatapos kumain dahil naroon ang panganib na bangungutin tayo. Mayroon ngang paliwanag iyong sa siyensiya.

Kahapon, tinalakay natin ang ilang ginagawa natin pagkatapos kumain: ang lumangoy (dahil mas maraming dugo ang nagpupunta sa gastrointestinal tract pagkatapos kumain na maaaring magdulot ng pamumulikat), magshower (dahil nagtutungo sa iyong mga kamay at paa ang iyong dugo sa halip na dumaloy sa iyong tiyan), at matulog (dahil magdadagdag ito ng pressure sa iyong diaphragm) na pinatunayan ng mga eksperto dahil maaaring magdulot ito ng komplikasyon sa ating kalusugan.

Narito pa ang ilang bagay na hindi mo dapat gawin pagkatapos kumain ayon sa mga eksperto:

    National

    Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

  • Maglakad-lakad. – Puwede mo nang itakwil ang sinauna nang paniniwala na nakatutulong sa digestion ng pagkain ang paglalakad-lakad. Totoong nakatutulong ang paglalakad sa digestion ngunit ang gawin iyon agad pagkatapos kuman ay magdudulot ng acid reflux at pinababagal ang pagdaloy ng digestive juices na kumukuha ng nutrients sa pagkain.

  • Magtsaa. – Gayong marami itong benefits pati na ang pagprotekta nito sa puso laban sa sakit, napagalaman na ang polyphenol sa tsaa ang nagpapabagal sa iyong katawan na makuha ang iron sa pagkain. ayon sa isang pag-aaral, ang acid na nasa tsaa ang humahadlang sa mga protinang nasa pagkain. ito ang dahilan kung bakit hindi inirerekomenda ng mga eksperto ang pag-inom ng tsaa pagkatapos kumain.

Dahil iba-iba naman ang kapasidad ng bawat indibiduwal lalo na sa larangan ng kalusugan, nindi naman masama ang sumunod sa mga paalalang ito ng mga eksperto. Pagkatapos kumain, hayaan na munang namnamin ng iyong buong katawan ang iyong kinain.