Makapigil-hiningang mga aksiyon ang matutunghayan ngayong araw sa 11 karerang inihanay sa Metro Turf Special Race Malvar, Batangas.

Inihahandog sa inyo ang pitong Metro Turf Special Race ng iba’t ibang grupo, bukod pa ang hiwalay na karera ng class Division 1-B, 3, at Special handicap.

Limang kabayo ang maglalaban-laban sa Race 1, ito ang My Priviledge, Panagbenga, Good Son carlo, Baby Smartie at Mahiwaga na umpisa ng 1st Winner Take All event.

Sa Race 2, 13 naman ang kalahok sa class Division 3, at inaasahan na magkakadehaduhan.

National

PAOCC Usec. Cruz, inaming may lumapit sa kaniya para tulungan si Alice Guo

Maglalabamn sa panimula ng 2nd WTA ang limang kalahok na Magic In The Air, Garnet, Boudi Husson, My Queen at orient Game sa Race 3, at susundan naman ito ng cash Register, Calabar Zone, Lady Wants To Know, It’s June Again at Esprit De Corps sa Race 4.

Sa Race 5, maghaharap-harap ang 10 kabayo para sa Special handicap Race at pinapaboran ang mga kabayong Role Model at Wise Dicision, at maghaharap naman ang Lady Liam, Smiling Julia, at exciting sa Race 6.

Maganda ang magiging laban nina Conqueror at Good Fortune sa Race 7 at magiging kapana-panabik ang laban sa class Division 1B at pinapaboran ang Kiss Me at Thunder Ribbon sa Race 8.

Sa Race 9, magkakasubukan ang husay at galing sa Metro Turf Special Race ang kalahok na Crotales, That Is Mine at Ballet Flats, habang sa race 10, magkakasubukan sina Conquistaboy, Dubai’s Angel at A Toy For Us.

Sa last race na Race 11, magkakasubukan naman sila high Grader,Nemesis,Fourth Dan at Security command habang ang Dream of All at Hidden Moment ay umaasam ng tsamba.