Walang balak si Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano na sumama sa Makati City sakaling magsagawa ng ocular inspection ang sub-committee ng Senate Blue Ribbon Committee.

“Hindi ako welcome sa Makati City, kaya hindi na lang ako sasama,” ayon kay Cayetano.

Muling nanawagan si Cayetano kay Vice President Jejomar Binay na humarap sa imbestigasyon kaugnay sa maanomalyang bilihan ng parking building.

Aniya, hindi dapat nagtatago si Binay sa likod ng kanyang mga anak dahil siya naman talaga ang sangkot sa bilihan.

National

PAOCC Usec. Cruz, inaming may lumapit sa kaniya para tulungan si Alice Guo

Sinabi pa ni C ayetano na naawa siya kay Makati Mayor Jejomar Erwin Binay dahil wala naman itong maisagot na maayos sa naganap na pagdinig. - Leonel Abasola