ISULAN, Sultan Kudarat - Halos hindi matanggap ng pamilya ang masaklap na sinapit ng isang guro sa Mababang Paaralan ng Buenaflores na dalawang beses na nasagasaan ng magkaibang sasakyan sa Barangay Kalawag 1 sa bayang ito, habang kritikal naman sa ospital ang kasama nito.

Kinilala sa ulat ang nasawi na si Realyn Vidal Sumagaysay, 33, may asawa, ng Bgy. Poblasyon sa Senator Ninoy Aquino, habang sinasabing maselan naman ang lagay ng driver ng motorsiklong inangkasan ng guro na si Jethro Zapanta Garcia, 22, binata, estudyante, ng Bgy. Kalawag 1, Isulan, Sultan Kudarat.

Ayon sa imbestigasyon, dahil sa malakas na ulan ay hindi umano napansin ni Ramon Maderal Examen Jr, 43, may asawa, driver ng pamahalaang bayan ng Lake Sebu sa South Cotabato, ang motorsiklo ng mga biktima habang minamaneho niya ang isang dump truck (SKB-526), kaya nabangga niya ito at nahulog si Sumagaysay.

Nasagasaan ang guro ng truck at ng isang paparating na tricycle. - Leo P. Diaz
Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod