KINSHASA (AFP) – Isang klase ng lagnat na hindi pa tukoy ang pinagmulan ang pumatay na sa 13 katao sa hilaga-kanluran ng Democratic Republic of Congo simula noong Agosto 11, ayon sa health minister ng bansa.
“All 13 people who have died suffered from a fever, diarrhoea, vomiting and, in a terminal stage, of vomiting a black matter,” sinabi ni Dr. Felix Kabange Numbi noong Huwebes ng gabi.
Sa kasalukuyan, may 80 katao na nakisalamuha ng mga namatay ang mino-monitor ng health authorities sa kani-kanilang bahay.
Ngunit sinabi noong Biyernes ng isang opisyal ng World Health Organization (WHO) at ng medical charity na Doctors Without Borders (MSF) na masyado pang maaga para matukoy kung haemorraghic fever ang sanhi ng mga pagkamatay, habang may nakamamatay na epidemya ng Ebola na nananalasa sa West Africa.