Sumalo ang Colegio de San Juan de Letran sa liderato matapos na iposte ang ikawalong panalo, 47-39, kontra sa season host Jose Rizal University (JRU) sa pagpapatuloy ng second round ng NCAA Season 90 juniors basketball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Bagamat wala ni isang manlalaro na tumapos na may double digit, ang balanseng opensa at matinding depensa ang nagsilbing susi sa nasabing panalo ng Squires.

Nagtala ng tig-9 puntos sina Klyve Dungan, Joshua Gonzales at Jerrick Balanza habang nag-ambag naman ng 7 at 5 puntos sina Jerus Perez at Johann Rubite, ayon sa pagkakasunod, para pangunahan ang nasabing tagumpay ng Squires, ang kanilang ikawalo kontra sa dalawang pagkabigo.

Nagtala din sila ng 8 steals kumpara sa lima ng Light Bombers at 44-37 sa rebounding, bukod pa sa pagpuwersa sa kanilang katunggali sa 25 turnovers.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Dahil sa kabiguan, nalaglag ang Light Bombers sa ikatlong puwesto sa barahang 7-3 (panalo-talo) kapantay ng Mapua Red Robins.

Pinamunuan ni Darious Estrella ang nasabing losing cause ng Light Bombers sa itinala nitong game high na 16 puntos.