KUALA LUMPUR (AFP)— Nag-alay ng isang minutong katahimikan ang nagluluksang Malaysians noong Biyernes sa pagdating ng mga unang labi ng 43 nitong mamamayan na nasawi sa MH17 disaster.

Naghari ang katahimikan sa bansa ng 28 milyong mamamayan dakong 10:55 am (0255 GMT), isang oras matapos lumapag sa Kuala Lumpur International Airport ang Malaysia Airlines jet na nagdadala ng mga bangkay ng 20 mamamayan na namatay nang pasabugin ang MH17 ng isang pinaghihinalaang surface-to-air missile sa kalawakan ng Ukraine noong Hulyo 17.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget