Isa sa pinakapopular at magagandang panalangin sa Mahal na Birheng Maria sa kasaysayan ng Kristiyanismo ay ang “Salve Regina” o ang “Hail Holy Queen”. Sa Liturgy of the Hours ng Simbahan, ang panalanging ito ay inaawit sa panggabing pananalangin mula sa Sabado bago ang Trinity sunday hanggang Biyernes bago ang unang Linggo ng Adbiyento.

Kinikilala sa panalanging ito ang Mahal na Birheng Maria bilang reyna at ina. Ito ay panalangin ng isang naghahangad ng tulong mula kay Maria sa kinakaharap nitong pagsubok sa buhay. Ito ay panalangin ng pagtitiwala kay Maria bilang tagasuporta ng mga Kristiyano at lahat ng humihingi sa kanya ng saklolo.

Sa ating pagdiriwang ng Kapistahan ng Pagkareyna ni Maria, muli nating pagnilayan ang sinaunang panalanging ito. Tunay ngang siya ay reyna na ipinahahayag ng Simbahang Katoliko sa pamamagitan ng encyclical na Ad Caeli Reginam (Sa Reyna ng Langit). Binigyang diin ng Papa ang katotohanang karapat-dapat kay Maria ang titulong “Reyna ng Langit at Lupa” sapagkat siya ang Ina ng Diyos, at dahil din tinagurian siyang New Eve sa mga gawa ni Jesus sa pagliligtas. at dahil din sa kanyang kabanalan, at dahil din sa kanyang kapangyarihang mamagitan. Ang naturang panalangin ay isang testamento ng kapangyarihan ng Diyos na na nag-uumapaw sa kooperasyon ni Mariya na alinsunod sa Kanyang Dakilang plano ng kaligtasan.

Hindi nilililiman ng pagkareyna ni Maria ang pagkapanginoon ng Diyos sa sanlibutan. Sa katunayan, niluluwalhati ng pagkareyna ni Maria ang ang walang kapantay na kapangyariyan at biyaya ng Diyos dahil sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos na namuhay si Maria sa kabanalan. Biniyayaan ng Diyos si Maria ng lakas upang tanggihan ang tukso sa daigdig at ituon ang kanyang atensiyon sa Diyos na tanging nagbibigay sa kanya ng kaligayahan at pagkakontento sa buhay.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Magdulot nawa ng inspirasyon sa atin ang buhay ng Mahal na Birheng Maria na mamuhay din tayo ng simple at may pasasalamat sa Diyos na nagkaloob sa atin ng napakahalagang handog na ito. Magkaroon nawa tayo ng pag-asa sa pamamagitan ng pagkareyna ni Maria na balang araw tayo rin ay magtatamasa ng buhay na walang hanggan na ipinangako ni Jesus sa mga sumusunod sa Kanya.