Iniulat ng Department of Health (DoH) na ang patuloy na pagdami ng mga kaso ng HIV/AIDS sa bansa.

Ayon sa DoH, simula 2008 hanggang 2013 ay tumaas ang kaso ng HIV/AIDS ng 52 porsiyento.

Dahil dito, hindi umano malayong sa pagtatapos ng 2014 ay umabot na sa 32,379 ang mga Pinoy na positibo sa nakamamatay na sakit.

Sinabi ni Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag na mula 1984 na unang ginawang regular ang monitoring ng HIV/AIDS case sa bansa hanggang Hunyo 2014, ay nasa 19,330 na ang may taglay ng sakit, na 1,766 sa mga ito ang full blown AIDS.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

At posibleng umabot umano ito sa 32,379 sa pagtatapos ng taon dahil na rin sa patuloy na pagdami ng naitatalang may sakit, na resulta na rin ng mas aktibong voluntary screening o AIDS test.

Kasama na rin umano sa naturang projection ang mga hindi pa sumailalim sa HIV test subalit napapabilang sa high risk groups partikular na ang mga nag-i-inject ng droga gamit ang isang karayom lang at nakikipagtalik sa kapwa lalaki o kapwa babae.

Inamin ni Tayag na mataas ang kaso ng HIV prevalence sa Cebu City, na tumaas ng nakakaalarmang 52.30 porsiyento noong 2013.

Kaugnay nito, tiniyak ni Tayag na mas pinakalakas ng DOH ang information dissemination nito patungkol sa HIV/AIDS.