TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Naaresto sa pangingikil ang isang babaeng miyembro ng Peace Action and Rescue with Dedication to Serve the Society (PARDSS) na nagpanggap na pulis matapos magreklamo ang dalawa niyang nabiktima na kapwa aplikante sa pagka-pulis sa lungsod.

Ayon kay Mario Canapi, ng PARDSS, sangkot sa extortion si Mylene Santiago pero nakipag-areglo na umano rito ang mga biktimang sina Ryan Garcia, 22, ng Barangay Maguilling, Piat; at Jake Katuiran, 25, ng Bgy. Centro, Amulung, Cagayan.

Ayon sa pulisya, para mapadali ang pagpasok sa pulisya ay nagbigay ang mga biktima ng tig-P7,000 kay Santiago.

Inihayag ng pamunuan ng PARDSS na kapag napatunayang nangikil ay sisibakin sa tungkulin at ipakukulong ang suspek. - Wilfredo Berganio

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho